--Ads--

Nagsimula ang taunang paglalakbay kasabay ng pagdating ng mga unang pag-ulan sa wet season sa isla, na karaniwang nararanasan tuwing Oktubre o Nobyembre, bagama’t maaari rin itong maantala hanggang Disyembre o Enero.

Mula sa kanilang mga tirahan sa kagubatan, sabay-sabay na lumalabas ang mga pulang alimango at naglalakbay patungo sa baybayin upang isagawa ang kanilang taunang mating ritual.

Ayon sa Christmas Island National Park, nakadepende sa yugto ng buwan ang eksaktong tiyempo at bilis ng migration.

Karaniwang nangingitlog ang mga pulang alimango bago sumikat ang araw, sa panahon ng paghupa ng high tide at tuwing last quarter ng buwan.

--Ads--

Bilang bahagi ng pangangalaga sa mga ito, pansamantalang isinasara ang ilang kalsada sa isla upang maiwasang masagasaan ang mga alimango.

Naglagay din ng 16-talampakang taas na Red Crab Bridge upang ligtas silang makatawid sa isang abalang kalsada patungo sa baybayin.

Samantala, nagsasagawa ang Christmas Island National Park ng isang oras na livestream araw-araw mula sa naturang tulay upang mapanood ng publiko ang pambihirang taunang migration hangga’t nagpapatuloy ito.

Dinarayo rin ng mga turista ang ilang pampublikong lugar sa isla, kabilang ang Drumsite, Flying Fish Cove, Ethel Beach at Greta Beach, upang masaksihan ang pagdating ng milyun-milyong pulang alimango.