--Ads--
Tinawag ni Chinese President Xi Jinping na “old friend” si Russian President Vladimir Putin sa kanilang pagkikita sa Shenzhen, China, bago ang nakatakdang summit ng mga lider ng Asia-Pacific.
Kabilang sa mga usaping tinalakay ng dalawang lider ang digmaan sa Ukraine, suplay ng enerhiya at relasyon ng China at Russia sa United States.
Samantala, nakatakda ring magsagawa sina Xi, Putin at US President Donald Trump ng isang trilateral meeting sa Huwebes, na magiging unang pagkakataon na magkakasama ang tatlong lider sa naturang format.











