Opisyal nang umatras si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa Miss Grand International All Stars competition, batay sa anunsyo ng opisyal na Facebook page ng naturang patimpalak.
Gayunman, mananatili pa rin ang aktres at beauty queen sa voting activity hanggang sa pagtatapos nito upang mabigyan ng pagkakataon ang kanyang mga tagasuporta, partikular ang mga Pilipino, na patuloy siyang suportahan at magpaabot ng mensahe ng paghikayat.
Ayon sa organisasyon, nais nitong kilalanin ang naging bahagi ni Michelle sa naturang kampanya at bigyang-daan ang kanyang mga tagasuporta na ipagpatuloy ang pagpapakita ng suporta sa kanya sa kabila ng kanyang pag-atras.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Michelle Dee hinggil sa kanyang pag-withdraw o sa dahilan nito.











