Matapos ang dalawang araw na paglilitis ngayong linggo, pansamantalang ititigil muna ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte habang tututok ang Senado sa plenary deliberations ng panukalang 2027 national budget.
Bukod dito, hiniling ng defense team sa pangunguna ni Atty. Sheila Sison na ilipat ang orihinal na iskedyul ng paglilitis sa Nobyembre 26 at 27 dahil hindi magiging available ang kanilang mga abogado at testigo sa nasabing mga petsa.
Pinagbigyan naman ito ni Senate President at presiding officer Chiz Escudero, dahil nagkaroon na rin ng kahalintulad na pagkakataon ang prosecution team noon.
Dahil dito, nakatakdang magpatuloy ang impeachment trial sa Disyembre 1, 2, 3 at 4. Magpapatuloy din ang paglilitis sa ikalawang linggo ng Disyembre at, kung kinakailangan, hanggang Disyembre 14, 15, 16 at 17 bago ang Christmas break ng Senado.











