--Ads--

Pinarusahan ng 74 na hagupit ang Iranian singer na si Parastoo Ahmadi dahil sa pagtatanghal nang walang suot na hijab, ayon sa kaniyang abogado.

Ayon sa human rights group na Iran Human Rights, gayundin ang naging parusa sa apat na miyembro ng kaniyang concert team.

Nag-ugat ang kaso sa online release ng kaniyang concert video noong Disyembre 2024, kung saan makikitang kumakanta siya kasama ang mga lalaking musikero habang walang takip ang buhok.

Bukod sa paghagupit, pinagbawalan din ang lima na magsagawa ng mga aktibidad na may kaugnayan sa musika at sining, gayundin ang bumiyahe sa ibang bansa sa loob ng dalawang taon.

--Ads--

Kinondena naman ng mga human rights group ang naturang parusa bilang malupit at hindi makataong pagtrato.