--Ads--

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang baybayin ng southern California sa Estados Unidos nitong Sabado, na nagdulot ng pagyanig sa mga gusali at pagkansela sa landing ng isang eroplano sa Los Angeles International Airport.

Ayon sa US Geological Survey, namataan ang sentro ng lindol sa karagatan malapit sa Manhattan Beach at sinundan ito ng ilang aftershocks.

Nagkaroon din ng basag na mga salamin sa paliparan at nag-activate ang mga alarm ng sasakyan.

Samantala, napilitang umatras sa landing ang isang Delta Airlines aircraft habang papalapit na sa runway dahil kailangang tiyaking walang pinsala sa paliparan.

--Ads--

Nagkaroon din ng controlled flaring sa isang Chevron refinery bilang bahagi ng kanilang safety procedures.

Gayunman, walang naitalang nasawi, nasugatan o malaking pinsala sa imprastraktura batay sa paunang pagsusuri ng mga awtoridad.