Iginiit ng China na hindi mapipigilan ang planong reunification nito sa Taiwan sa kabila ng resulta ng lokal na halalan sa naturang isla.
Ito ay matapos madagdagan ng Democratic Progressive Party (DPP) ang mga lungsod at county na kontrolado nito, bagama’t natalo ang partido sa halalan para sa pagka-alkalde ng Taipei.
Ayon sa Taiwan Affairs Office ng China, hindi mababago ng resulta ng halalan ang direksyon ng ugnayan ng dalawang panig at ang tinatawag nitong makasaysayang layunin ng reunification.
Binigyang-diin din ng Beijing na patuloy nitong kokontrahin ang mga grupong nagsusulong ng kalayaan ng Taiwan at ang pakikialam ng mga dayuhang bansa.
Samantala, hindi kinikilala ng pamahalaan ng Taiwan ang pag-aangkin ng China sa kanilang teritoryo at iginiit ni Pangulong Lai Ching-te na tanging mamamayan ng Taiwan ang may karapatang magpasya sa kinabukasan ng kanilang isla.











