--Ads--

Bumalik sa ensayo si Filipino tennis star Alex Eala sa Rafa Nadal Academy habang ipinagpapatuloy ang kanyang kampanya sa clay court season.

Sa Instagram Stories ng academy, makikitang nagsasanay si Eala sa clay courts sa Mallorca, Spain, kasama ang kanyang coaching team. Ayon sa caption ng academy, “She’s home,” na tumutukoy sa kanyang pagbabalik sa training facility.

Kasalukuyang nasa World Tennis Singles (WTA) ranking No. 44 si Eala at inaasahang sasabak sa Italian Open sa susunod na linggo, matapos siyang umatras sa WTA 125 Catalonia Open.