--Ads--

Masayang sinalubong ng mga Pilipino si Pinay tennis star Alex Eala sa kanyang pagdating sa bansa matapos ang makasaysayan niyang kampanya sa 2026 Wimbledon Championships.

Naging unang Pilipinang nakapasok sa fourth round ng Wimbledon at sa isang Grand Slam tournament si Eala bago tuluyang yumuko kay Jasmine Paolini ng Italy. Dahil sa kanyang impresibong performance, umakyat siya sa career-high na No. 28 sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings mula sa dating No. 32.

Sinalubong siya ng mga opisyal ng sports organizations at mga tagahanga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, kung saan nagbigay rin siya ng oras para sa kanyang mga fans.

Matapos ang ilang sponsor engagements at meet-and-greet activities sa bansa, magtutungo si Eala sa Estados Unidos upang ipagpatuloy ang kanyang kampanya para sa US Open sa susunod na buwan.

--Ads--