--Ads--

Maganda ang simula ni Alex Eala matapos i­lampaso si Anastasia Pav­lyuchenkova ng Russia, 6-3, 6-3, sa first round ng Mutua Madrid Open na ginaganap sa Arantxa Sanchez Stadium sa Madrid, Spain.

Solido ang ipinakita ni Eala sa umpisa pa lamang ng laro upang mabilis na makuha ang 1-0 bentahe.

Naipagpatuloy ni Eala ang matikas na ratsada nito sa second set para tuluyang patalsikin si Pavlyuchenkova sa loob ng isang oras at 31 minuto.

Nagtala si Eala ng impresibong 76 porsiyentong first serve winners habang naglista ito ng 4-of-8 break points.

--Ads--

Sunod na makakasagupa ni Eala si 19th seed Elise Mertens ng Belgium sa second round.

Nakakuha si Mertens ng first-round bye.

Ito ang ikalawang pagkakataon na magtutuos sina Eala at Mertens.

Target ni Eala na maka­resbak matapos matalo kay Mertens, 5-7, 0-6, sa Jasmin Open Monastir sa Tunisia noong 2023.

Base sa WTA live ran­kings, umangat na si Eala sa No. 41 puwesto — tatlong puntos na mas maganda kumpara sa kanyang kasalukuyang ranking na No. 44.

May nadagdag na 30 puntos kay Eala para mapaganda sa 1,315 ang kanyang puntos.