--Ads--

May pagkakataon ang ASEAN na makakuha ng bagong trade opportunities sa gitna ng patuloy na global disruptions, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon sa DTI, ang mga kasalukuyang geopolitical developments tulad ng tensyon sa Middle East, trade war ng U.S. at China, at pagbabago sa dynamics ng dating trading partners ay nagdudulot ng hindi tiyak na kalakalan sa buong mundo. Subalit, puwede itong maging oportunidad upang makabuo ng bagong trading dynamics.

Itatampok sa ASEAN Business Environment Forum (ABEF) sa Bonifacio Global City ang mga ministers, senior officials, at private sector leaders na magbabahagi ng insight at best practices para sa isang malakas, transparent, at competitive na business environment sa rehiyon.

Kasama sa tatalakayin ang pagpapatupad ng mga policy commitments ng ASEAN, pagpapalakas ng public-private collaboration, at paggamit ng digitalization para sa transparency at efficiency. Ito ay alinsunod sa tema ng Philippines’ ASEAN chairship na “Navigating Our Future Together.”

--Ads--

Binanggit din na mahalaga ang policy stability, pagbabawas sa gastos ng negosyo, at pagpapalalim ng regional integration upang mapalakas ang intra-ASEAN trade.