--Ads--

Magsisimula ang 2026 Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan sa gitna ng mga reklamo mula sa ilang delegasyon kaugnay ng kanilang accommodation, pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

Kabilang sa nagpahayag ng concern ang India, Thailand at ilang iba pang delegasyon na nakaranas umano ng problema sa kanilang tinutuluyang lugar at basic logistics.

Bukod dito, umusbong din ang hiwalay na kontrobersiya kaugnay ng paggamit sa isang historical figure ng Japan sa isang welcome ceremony.

Sinusuri ngayon ang naging paghahanda ng Japan para sa Aichi-Nagoya 2026, matapos maharap sa iba’t ibang problema ang ilang delegasyon bago at sa pagsisimula ng kompetisyon.

--Ads--