--Ads--

Ibinasura ang asylum application ni dating presidential spokesperson Harry Roque, ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla.

Sinabi ni Remulla na natapos na ang limang buwang panahon para sa kanyang asylum application at maaari siyang ibalik sa Pilipinas sakaling maglabas ng Interpol Red Notice laban sa kanya.

Nahaharap si Roque sa kasong qualified human trafficking kaugnay ng POGO firm na Lucky South 99. Itinanggi naman niya ang mga alegasyon laban sa kanya.