Nagpaalala ang mga awtoridad sa Lungsod ng Cauayan sa publiko na huwag unahin ang pagla-live o pagvi-video sa oras ng sunog.
Sa halip ay agad na tumawag sa hotline ng Bureau of Fire Protection o sa iba pang kinauukulang ahensya upang mapabilis ang pagresponde ng mga emergency responder.
Ayon sa mga otoridad, mahalaga ang maagap na paghingi ng tulong upang maiwasan ang paglala ng sunog at masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa lugar.
Panawagan din nila sa publiko na manatiling kalmado at makiisa sa mga otoridad sa oras ng sakuna.
Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP Cauayan City kaugnay sa nangyaring sunog bandang alas-sais kagabi sa bahagi ng San Fermin, partikular sa harap ng isang paaralan dito sa Lungsod ng Cauayan.











