Isinagawa sa Lungsod ng Cauayan ang pagdiriwang ng National School’s Safety week upang palawakin ang kamalayan ng mga mag-aaral, guro, magulang at iba pang miyembro ng komunidad hinggil sa kahalagahan ng kaligtasan sa paaralan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay project development officer Razelyn Lata ng Cauayan North Central School, binigyang diin nito ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa sa loob ng paaralan.
Aniya, mahalagang maging mulat ang lahat sa kanilang responsibilidad na makatutulong sa pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran gayundin ang kahandaang tumugon sa mga posibleng panganib at emergency.
Isa sa mga tampok sa aktbidad ang commitment wall kung saan inilalahad ng mga kalahok ang kanilang pangako at paninindigan para sa pagpapanatili ng safe environment sa paaralan.
Sa pamamagitan nito ay hinihikayat ang bawat isa na isabuhay ang kanilang mga pangako sa pamamagitan ng pagiging responsable, mapagmatyag, at aktibong pakikibahagi sa mga program at hakbang na nagtataguyod sa kaligtasan sa publiko.
Layunin ng naturang pagdiriwang na palakasin ang kultura ng pagdiriwang sa paaralan kung saan mahalaga ang kooperasyon ng mga mag-aaral, guro, at iba pang mga stakeholders upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente.











