--Ads--

Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang isang Most Wanted Person (MWP) sa isinagawang operasyon sa Brgy. Ragan Sur, Delfin Albano, Isabela ngayong hapon.


Kinilala ang naarestong indibidwal na si alyas Lita, 50 taong gulang, may-asawa, maybahay, at residente ng Brgy. Bagumbayan, City of Ilagan, Isabela na nadakip bandang alas-4:35 ng hapon sa bisa ng isang Warrant of Arrest na inilabas ngayong Abril 27, 2026.


Ang naturang warrant ay ipinalabas ng Presiding Judge ng Branch 18, Regional Trial Court, Second Judicial Region sa Ilagan, Isabela kaugnay ng kasong robbery. May kalakip itong rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php100,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.


Pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela Provincial Field Unit ang operasyon bilang lead unit, katuwang ang Police Intelligence Unit (PIU) Isabela PPO, Regional Intelligence Unit 2 – Provincial Intelligence Team (RIU2 PIT) Isabela East, at Delfin Albano Municipal Police Station (MPS).

--Ads--


Sa kasalukuyan ang suspek ay nasa kustodiya ng CIDG Isabela PFU para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakdang i-turnover sa korte na naglabas ng warrant.