--Ads--

Nagpakawala ng matinding opensiba ang Germany upang durugin ang Curaçao, 7-1, sa kanilang unang laban sa Group E ng FIFA World Cup 2026 noong Hunyo 14 sa Houston, Texas.

Mabilis na naglatag ng kontrol ang mga Aleman nang maitala ni Felix Nmecha ang pinakamabilis na goal ng torneo sa ngayon matapos makaiskor sa unang anim na minuto ng laban. Sinundan ito nina Nico Schlotterbeck, Kai Havertz (dalawang goal), Jamal Musiala, Nathaniel Brown, at Deniz Undav upang tuluyang ibaon ang Curaçao.

Sa kabila ng mabigat na pagkatalo, nagkaroon ng makasaysayang sandali para sa Curaçao nang maitala ni Livano Comenencia ang unang World Cup goal sa kasaysayan ng bansa sa ika-21 minuto.

Ang laban ay makasaysayan rin para sa Curaçao, na naging pinakamaliit na bansang nakalaro sa FIFA World Cup. Samantala, si Dick Advocaat ay nagtala rin bilang pinakamatandang coach sa kasaysayan ng torneo sa edad na 78.

--Ads--

Samantala, draw ang naging resulta ng laban sa pagitan ng Ivory Coast national football team at Ecuador national football team matapos na walang makapuntos sa dalawang kuponan.

Sa isang dikit at depensibong laban sa Lincoln Financial Field, kapwa ipinakita ng dalawang koponan ang matibay na depensa kaya’t walang nakapasok na bola sa magkabilang goal hanggang sa final whistle.

Dahil dito parehong kailangang maghanap ng panalo sa kanilang susunod na fixtures upang hindi maipit sa group standings at mapanatili ang tsansa sa knockout stage.