--Ads--

CAUAYAN CITY- Natagpuan ng isang lola ang bagong silang na sanggol sa damuhan sa gilid ng daan ng Sitio Genato, Villa Flores, Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Batay sa ulat ng Santa Fe Police Station, isang lola ang nakarinig sa pag-iyak ng sanggol at nang puntahan ito, nakita ang sanggol na nakabalot sa puting tuwalya sa gilid ng daan.

Tinawag umano ng lola ang isang binatilyo upang kunin ang sanggol na noon ay naiinitan na sa sikat ng araw.

Agad na dinala ang sanggol sa pinakamalapit na bahay bago dinala sa Rural Health Unit ng Santa Fe.

--Ads--

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pamamagitan ng pagreview sa mga CCTV recordings at pagtatanong kung may mga naitalang buntis sa nasabing lugar.

Malaki ang posibilidad na hindi residente sa nasabing lugar ang ina ng bata. Marami ring umanong hardinero malapit sa nasabing lugar nang oras na yun subalit hindi umano napansin kung sino ang nag-iwan sa sanggol.

Pansamatalang mananatili ang sanggol sa MSWDO ng Santa Fe,posible namang masampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse Law ang magulang ng sanggol.