--Ads--

Bahagyang lumakas ang bagyong Bising habang nasa karagatang sakop ng Extreme Northern Luzon.

Ang centro ng naturang tropical depression ay huling namataan 280km east ng West Northwest ng Calayan, Cagayan.

Mayroon itong 55km/h na lakas ng hangin at pagbugsong aabot ng 70km/h habang kumikilos West southwestward sa bilis na 15km bawat oras.

Sa ngayon ay nadagdagan pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal number 1 na kinabibilangan ng western portion ng Babuyan Islands (Calayan Isl. and Dalupiri Isl.), western portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin, Dumalneg, Bacarra, Laoag City, Paoay, Currimao, Badoc, Pinili),  northwestern portion of Ilocos Sur (Caoayan, City of Vigan, Santa Catalina, San Vicente, Santo Domingo, Magsingal, San Juan, Cabugao, Sinait, San Ildefonso)

--Ads--

Batay sa forecast track ng bagyong Bising, mabagal itong kikilos pa-northwestward sa susunod na 12 oras at maaaring makalabas na ng Philippine Area of Responsibility ngayong hapon.

Kapag nakalabas na ito ng PAR ay posible itong bumalik pa-northeastward sa bahagi ng Extreme Northern Luzon at maaaring muling bumalik sa western boundary ng PAR pagsapit ng Linggo ng umaga, ika-6 ng Hulyo at muling lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa araw naman Lunes, Hulyo 7.

Batay sa forecast, posibleng mas lumakas pa ang bagyong Bising hanggang sa maging tropical storm bukas, araw ng Sabado habang kumikilos patungong Taiwan.