--Ads--

Mas lalo pang lumakas ang bagyong Danas at isa na ngayong ganap na Typhoon.

Ang  sentro ng Typhoon Danas na dating  bagyong Bising ay huling namataan 385km West ng Northwest ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 120km/h at pagbugsong aabot ng 150km/h.

Ito ay kumilikilos North Northeastward sa bilis na 10km/h.

--Ads--

Batay sa forecast track ng Typhoon Danas, patuloy itong kikilos pa-northeastward hanggang sa susunod na 36 oras at maaaring muling pumasok sa northwestern boundary ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi, o bukas ng umaga, ika-7 ng Hulyo at agad ding lalabas ng PAR.

Sa pagbagtas ng naturang bagyo sa East China Sea ay magsisimula na itong humina hanggang sa maging remnant low na lamang sa araw ng Huwebes, ika-10 ng Hulyo kapag nasa bahagi na ng kalupaan ng China.

Sa ngayon ay nakataas pa rin ang gale warning sa mga baybayin ng Hilagang Luzon, partikular sa Batanes, Babuyan Islands, at Ilocos Region, dahil sa napakataas na alon na maaaring umabot ng 4.5 metro.

Pinapayuhan ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot.