--Ads--

Lalo pang lumakas ang bagyong Kristine habang kasalukuyang nasa karagatang sakop ng bansa pangunahin sa silangan ng Quezon.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 340 km East of Infanta, Quezon or 180 km North Northeast of Virac, Catanduanes. Taglay  nito ang lakas ng hanging aabot sa 85km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105km/h. Kumikilos ang bagyo pa Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 25km/h.

Nakasailalim naman sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig), northern portion ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel, San Ildefonso), the northern portion of Quezon (General Nakar, Infanta) kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, northern and eastern portions ng Camarines Sur (Calabanga, Goa, Tigaon, Sagñay, San Jose, Lagonoy, Tinambac, Siruma, Garchitorena, Presentacion, Caramoan), Catanduanes, eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Malinao, Tiwi, Manito, Santo Domingo) at eastern portion ng Sorsogon (Barcelona, Gubat, Prieto Diaz, City of Sorsogon)

Signal no. 2 din ang northeastern portion ng Northern Samar (Palapag, Mapanas, Gamay, Laoang, Catubig, Lapinig, Pambujan, San Roque) at northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, San Policarpo, Arteche)

--Ads--

Signal no. 1 naman ang Batanes, Babuyan Islands, Pampanga, natitirang bahagi ng Zambales, Bataan, natitirang bahagi ng Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, natitirang bahagi ng Quezon, Occidental Mindoro maging ang Lubang Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Calamian Islands, natitirang bahagi ng Camarines Sur, natitirang bahagi ng Albay, natitirang bahagi ng Sorsogon, Masbate maging ang Ticao and Burias Islands, and Calamian Islands, Aklan, Capiz, Antique maging ang Caluya Islands, Iloilo, Guinaras, northern portion ng Negros Occidental (Pontevedra, La Castellana, Moises Padilla, Bago City, La Carlota City, Valladolid, Pulupandan, Bacolod City, San Enrique, Murcia, Silay City, City of Talisay, Enrique B. Magalona, Manapla, City of Victorias, Cadiz City, Sagay City, City of Escalante, Toboso, Calatrava, Salvador Benedicto, San Carlos City), the northern portion of Negros Oriental (Vallehermoso, Canlaon City, City of Guihulngan),

Signal no. 1 din ang northern and central portions ng Cebu (Alcantara, Argao, Dumanjug, Sibonga, Pinamungahan, Ronda, Liloan, Cebu City, Moalboal, Consolacion, Danao City, Borbon, Carmen, Daanbantayan, Tuburan, City of Bogo, Tabogon, City of Naga, Lapu-Lapu City, City of Carcar, Mandaue City, Catmon, Minglanilla, Toledo City, Cordova, Compostela, San Remigio, Balamban, Aloguinsan, San Fernando, Asturias, Barili, Medellin, Sogod, Tabuelan, City of Talisay) including Bantayan Islands and Camotes Islands, Bohol, the rest of Eastern Samar, the rest of Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, and Southern Leyte, Dinagat Islands and Surigao del Norte including Siargao – Bucas Grande Group

Batay sa forecast ng DOST-PAGASA magpapatuloy ang northwestward na paggalaw ng bagyong Kristine hanggang sa maglandfall ito sa bahagi ng Isabela o Northern Aurora mamayang gabi o umaga ng Huwebes. Posibleng daanan nito ang bulubunduking bahagi ng Northern Luzon at lalabas sa kanluran ng Ilocos Region sa Huwebes ng hapon o gabi. Ayon sa state weather bureau walang nakikitang pagbabago sa galaw nito dahil walang ibang weather system na nakakaapekto sa sirkulasyon ng bagyo.

Inaasahan din ang paglakas pa ng bagyo hanggang severe tropical storm bago ang landfall nito at bahagyang hihina sa pagdaan sa Northern Luzon. Muli itong lalakas paglabas nito ng kalupaan at sa West Philippine Sea.