--Ads--

Mas humina pa ang bagyong Ofel na kasalukuyang nasa mainland Cagayan at nagbabanta sa Babuyan Islands.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Gonzaga, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 165km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 275km/h. Kumikilos ang bagyo pa West Northwestward sa bilis na 20km/h.

Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 4 sa Babuyan Islands, northern at eastern portions ng mainland Cagayan (Santa Teresita, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Gonzaga, Santa Ana, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira).

Signal no. 3 naman sa Batanes, the rest of Cagayan, northern portion ng Isabela (San Pablo, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, Maconacon, Delfin Albano), the northern portion of Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol, Calanasan, Kabugao), at northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg)

--Ads--

Signal no. 2 naman sa western at eastern portion ng Isabela (Quezon, Quirino, Mallig, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Roxas, San Mariano, Palanan, Ilagan City, Divilacan, Dinapigue), natitirang bahaging Apayao, Kalinga, northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman), eastern portion ng Mountain Province (Paracelis), at natitirang bahagi ng Ilocos Norte.

Signal no. 1 naman sa natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, northern portion ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Ambaguio, Solano, Bayombong, Quezon, Bagabag, Diadi, Villaverde, Dupax del Norte, Bambang), natitirang bahagi ng Mountain Province, natitirang bahagi ng Ifugao, natitirang bahagi ng Abra, northern portion ng Benguet (Mankayan, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias), Ilocos Sur, northern portion ng La Union (Luna, Sudipen, Bangar, Santol, Balaoan), at northern portion ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag, Dipaculao).

Batay sa forecast track ng DOST-PAGASA kikilos ang bagyong Ofel pa northwestward at dadaplis o maglalandfall sa bisinidad ng Babuyan Islands bago muling liliko pa northeastward bukas sa kanlurang karagatan ng Batanes.