--Ads--

Tinupok ng apoy ang isang residential house sa Barangay Sillawit, Cauayan City Kagabi July 17,2026.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa kapitbahay ng may-ari ng bahay na si Ginoong Roland Ramos, wala ang may-ari na si Adele Amarillo ng maganap ang sunog dahil nasa San Isidro, Isabela sila para sa pasayaw ng kanilang anak na ikakasal ngayong araw.

Aniya nagulat sila dahil mabilis ang pangyayari at inabot lamang ng halos isang oras para tuluyang matuppok ang bahay na gawa lamang sa light materials.

Dahil sa pangyayari walang anumang gamit ng pamilya ang kanilang naisalba mula sa nasunog na bahay.

--Ads--

Sa pamamagitan na lamang rin aniya ng kanilang live stream sa social media ay naiparating sa pamilya Amarillo ang nangyari sa kanilang tahanan.

Sa ngayon isinisiyasat na ng Bureau of Fire Protection Cauayan ang sanhi ng nasabing sunog