--Ads--

Magsasagawa ng inspeksyon ang Bureau of Fire Protection o BFP Cauayan sa lugar na pagdarausan ng concert sa lungsod ngayong araw upang matiyak na nasusunod ang mga pamantayan sa fire safety.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SFO2 Reagan Bernardo, Safety Officer ng BFP Cauayan, sinabi nitong bahagi ito ng kanilang paghahanda upang matiyak ang kaligtasan ng mga dadalo sa event.

Maglalagay din ang BFP ng apat na fire extinguisher at isang fire truck malapit sa venue, kasama ang humigit-kumulang limang personnel na ide-deploy para sa safety at agarang pagtugon sakaling magkaroon ng emergency.

Binigyang-diin din ni SFO2 Bernardo ang kahalagahan ng paghahanda ng mga organizer, kabilang ang pagtatalaga ng mga tauhang naka-standby at marunong gumamit ng fire extinguisher.

--Ads--