--Ads--

Hindi umano nakakatulong ang panunukso, palitan ng maaanghang na salita, at paghahamon ng magkabilang panig nina Senator Rodante Marcoleta at dating Senior Associate Justice Atty. Antonio Carpio na magbigay liwanag sa mga ordinaryong Pilipino tungkol sa isyu ng West Philipine Sea.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst at constitutionalist, hindi tunay na napagtutuunan ng pansin ang isyu dahil ang lumalabas ay nagpapataasan na lamang silang dalawa ng pride.

Aniya, imbes mabigyang liwanag at mapalawak pa ang kaalaman ng bawat Pilipino, ipinapakita na lamang nila rito kung sino ang mas matalino sa kanilang dalawa.

Kung masusing pag-uusapan ang punto ng dalawang panig, mas matimbang at mas makatotohanan umano ang punto ni Justice Carpio lalo na’t ito ay nakabatay sa batas at matatagal ng mga records ng West Philippine Sea.

--Ads--

Paglilinaw niya, maaaring hindi kasong treason o felony na nasa ilalim ng Revised Penal Code ng bansa ang ibig sabihin ni Sen. Marcoleta, bagkus ginamit ang salitang ‘treasonous’ bilang adjective o pang-uri sa ginawa ni Justice Carpio. Aniya, hindi maaaring kasuhan ng treason si Justice Carpio dahil hindi naman nakasailalim ng giyera ang bansa.