Natagpuan ang wala nang buhay at tadtad ng taga na katawan ng isang lalaki sa isang sementeryo sa Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela.
Ang biktima ay nakasuot ng itim na sando at maong na pantalon. Siya ay napaulat na nawawala simula kahapon matapos hindi makauwi sa kanilang bahay sa barangay Estrella, San Mateo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Jorge Saguibo ng Daramuangan Sur, sinabi niya na agad silang nakipag-ugnayan sa Pulisya matapos madiskubre ang bangkay sa kanilang nasasakupan.
Hinila nito na baka tinapon lamang ang bangkay sa lugar dahil wala naman umanong narinig na hiyaw ang mga residente na malapit sa crime scene.
Kasalukuyan pa ang ginagawang pagsisiyasat ng Pulisya sa insidente upang matukoy kung sino ang nasa likod ng krimen.
Samantala, sa pagtungo ng Bombo News Team sa lugar, nagkalat ang mga bakas ng dugo maging sa bahagi ng sementeryo na may kalayuan sa kung saan mismo natagpuan ang bangkay.











