--Ads--

Pinaiigting ng ilang barangay sa lungsod ang pagpapatupad ng curfew at kampanya laban sa kriminalidad, kabilang ang mas mahigpit na pagbabantay laban sa pagnanakaw ng hayop at mas madalas na pagpapatrulya sa mga kalsada.

‎Ayon kay Kagawad Don Silverio ng Barangay Centro West, isinasagawa ang mas istriktong pagpapatupad ng curfew hours bilang bahagi ng hakbang upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at seguridad sa kanilang nasasakupan.

‎Dagdag pa niya, kabilang sa mga pinaigting na hakbang ang regular na pagroronda ng mga barangay tanod upang maiwasan ang mga insidente ng krimen at agad na matugunan ang anumang banta sa seguridad ng komunidad.

‎Paliwanag pa ni Silverio, layunin ng mga inisyatibong ito na mapalakas ang presensya ng lokal na pamahalaan sa antas-barangay at maiwasan ang pagtaas ng mga insidente ng kriminalidad, partikular ang pagnanakaw ng alagang hayop o “cattle rustling.”

‎Patuloy naman ang panawagan ng barangay sa mga residente na makiisa at sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang lugar.