Dapat umanong tutukan ng Department of Energy (DOE) ang mabagal na pagpapalit ng presyo ng ilang mga gasolinahan sa bansa tuwing mayroong nakatakdang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ariel Lim, Convenor ng National Public Transport Coalition, sinabi nito na batay sa kanilang obserbasyon, kahit wala pang alas-sais ng umaga o sa oras na magiging epektibo ang taas presyo ay nagpapatupad na ng price hike ang ilang gasolinahan subalit sobrang bagal naman kapag rollback.
Gayunman, umaasa pa rin sila na magiging consisntent na sa pagbaba ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil nananatili pa ring mataas ang kaa litro ng diesel at gasolina.
Dahil sa tindi ng epekto ng krisis, hindi na sila umaasa na babalik pa sa dating presyo na mahigit 50 pesos ang presyo ng diesel at gasolina kaya naman nananawagan sila sa pamahalaan na gumawa ng aksyon dahil hanggang nagyon ay hindi pa nararamdaman ng publiko ang hakbang ng gobyerno hinggil sa usaping ito.











