Inihayag ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na ang Basilan ang may pinakamataas na bilang ng kaso ng child stunting sa bansa.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Operation Timbang Plus noong Marso 25, 2025, umabot sa 20.42% ng mga batang edad 0 hanggang 5 sa Basilan ang naitalang may stunting.
Sinusundan ang Basilan ng Tawi-Tawi (16.96%), Eastern Samar (16.86%), Oriental Mindoro (16.49%), at Davao Occidental (15.20%) sa talaan ng mataas na kaso ng batang bansot.
Sa National Capital Region, mas mababa ang kaso sa 1.78% sa kabuuan, subalit ang Manila ang may pinakamataas sa rehiyon na 8.5%.
Sa buong bansa, ang average na stunting rate ay 7.82%, na katumbas ng mahigit 514,000 batang apektado.
Ang stunting ay isang kondisyon kung saan ang isang bata ay mas mababa ang tangkad kaysa sa normal para sa kanyang edad, dulot ng matagalang kakulangan sa wastong nutrisyon.











