--Ads--

Isang 15-anyos na Nigerian na may autism ang nakapagtala ng world record matapos kilalanin ng Guinness World Records bilang may likha ng “largest art canvas” sa buong mundo.

Si Kanyeyachukwu Tagbo-Okeke, o Kanye, ay pormal na ginawaran ng Guinness certificate noong Abril, kasabay ng World Autism Acceptance Day.

Ang kanyang obra na mas malaki pa sa dalawang football field ay pambihirang work of art na naging bahagi ng kampanyang “Impossibility is a Myth,” na naglalayong palaganapin ang kamalayan tungkol sa autism at makalikom ng pondo para sa The Zeebah Foundation.

Ang paggawa ng mga artwork ang nagsilbing paraan ni Kanye upang maipahayag ang kanyang sarili. Sa kabila ng kanyang kondisyon, kinilala na siya sa iba’t ibang panig ng mundo.

--Ads--

Pinarangalan siya sa Austria noong 8-walong gulang, nagkaroon ng solo exhibit sa Nigeria, at napiling itampok ang kanyang likha sa isang international art catalogue.