--Ads--

Ipinagdiwang ni Bianca Umali ang pagkakapanalo ng animated film na Ella Arcangel ng dalawang major awards sa 14th QCinema International Film Festival.

Nasungkit ng pelikula ang Grand Jury Prize at Artistic Achievement Award para sa direktor nitong si Mervin Malonzo sa Asian Next Wave category. Nominado rin ito para sa Best Picture.

Si Umali ang nagbigay-buhay sa pangunahing karakter na si Ella bilang voice actress.

Nagpasalamat naman ang aktres sa buong production team at binigyang-diin ang mensahe ng pelikula tungkol sa pagiging mulat sa mga suliranin ng lipunan at pagkakaroon ng lakas ng loob na magsalita laban sa kawalang-katarungan.

--Ads--

Ang Ella Arcangel ay adaptasyon ng Filipino horror-fantasy comic series na likha ni Julius Villanueva.