--Ads--

Nagsilikas ang dose-dosenang Palestinian sa kanilang mga pansamantalang tirahan sa central Gaza matapos maglunsad ang Israel ng ground operation sa lugar na dati na nitong nilisan sa ilalim ng ceasefire agreement noong Oktubre 2025.

Ayon sa Israeli military, layunin ng operasyon na wasakin ang isang tunnel na umano’y banta sa kanilang mga sundalo. Nagbabala rin ito sa mga sibilyan na umiwas sa lugar.

Kinondena naman ng Hamas ang operasyon at iginiit na paglabag ito sa kasunduan sa tigil-putukan.

Dahil sa takot na muling lumawak ang opensiba, napilitang lumikas ang mga residente, kabilang ang mga ilang ulit nang nawalan ng tahanan mula nang magsimula ang digmaan noong 2023.

--Ads--

Iniulat din ng mga Palestinian medic na may nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pag-atake ng Israel sa Gaza noong Miyerkules.