Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Highway Patrol Group o HPG sa mga kalsada sa buong Lalawigan ng Isabela.
Ayon kay Police Major Renoli Bagayao, hepe ng Isabela Provincial Highway Patrol Team, nananatiling generally peaceful ang sitwasyon sa mga kalsadahan sa lalawigan at wala namang naitalang significant incidents nitong mga nakalipas na linggo.
Patuloy aniya ang kanilang daily anti-crime operations, pagpapatupad ng traffic laws, national laws at mga lokal na ordinansa. Isinasagawa rin ang information drive sa mga terminal upang paalalahanan ang mga driver, partikular ang mga pampublikong sasakyan, tungkol sa road safety at pag-iwas sa vehicular accidents.
Mahigpit din nilang ipinapatupad ang “No Plate, No Travel” policy, dahil ayon sa HPG, maaaring gamitin ng mga kriminal ang mga sasakyang walang plaka bilang getaway vehicles.
Samantala, kabilang sa mga madalas na traffic violations na kanilang natutuklasan sa mga checkpoint at roadside inspections ang pagmamaneho nang walang dalang driver’s license, kawalan ng OR/CR o Official Receipt at Certificate of Registration, at iba pang paglabag sa mga umiiral na batas at ordinansa.
Paalala ng HPG sa mga motorista: bago bumiyahe, tiyaking dala ang mga kinakailangang dokumento ng sasakyan. Ayon kay Police Major Ibagayaw, makatutulong ito upang maiwasan ang abala sa checkpoint at mapatunayan ang lehitimong pagmamay-ari o paggamit sa sasakyan.
Samantala, naputol man ang naging panayam natin kay Police Major Renol Ibagayaw, aalamin natin kung magkano ang katumbas na multa sa mga nabanggit na traffic violations—mula sa pinakamababang parusa hanggang sa pinakamabigat na maaaring kaharapin ng mga lalabag sa batas.
Kaya naman, mga kabombo, abangan ang susunod nating ulat para sa mas kumpletong impormasyon tungkol sa mga traffic violation, kaukulang tiket, multa at iba pang parusang maaaring ipataw sa mga motorista.









