--Ads--

Ipinagdiwang ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby ang kaniyang 18th Birthday nitong ika-19 ng Abril kasama ang ilang mga malalapit na kaibigan at kapamilya kabilang na ang kaniyang inang si Kris.

Sa post sa social media ng makeup artist at kaibigan ni Kris na si RB Chanco, ibinahagi niito ang ilang mga kuhang larawan at video kung saan makikita na nakayakap si Bimby kay Kris siya’y kinakantahan ng Happy Birthday song. Nakita naman sa video ang dating TV host na nakahiga sa kama at may mga nakakabit na fluids .

--Ads--

Isa rin sa mga kumanta para kay Bimby ng happy birthday ay kaniyang kuya na si Josh.

Ayon sa post ni RB Chanco sa Instagram “Bimb, you’re 18 today and it’s hard to put into words how proud I am of the person you’ve become. You’ve always had a quiet strength and a gentle heart. No matter how much you’ve grown, you’ve stayed kind, grounded, and full of love for the people who matter to you”, anito.

Magugunita na nitong March 16 ay nag post ang “Queen of all Media” na si Kris Aquino na si Bimby ang kaniyang “source of strength” at “blessed with a son who will do all to lessen his mama’s physical [and] emotional suffering” kasabay ng pagpapakita ng picture kung saan ay binuhat siya ni Bimby papasok sa bathroom.

Si Bimby ay ipinanganak noong April 19, 2007 at ang kaniyang ama ay ang basketball player na si James Yap.