--Ads--

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang nasampahan ng kasong Statutory Rape ang isang binatang inakusahang nanggahasa sa kanyang sariling kapatid.

Ang pinaghihinalaan ay si alyas “Kokoy”, 18-anyos, residente ng Cauayan City, Isabela.

Una nang naipaulat na naaresto ang kanyang ama at kapatid sa parehong kaso.

Batay sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa akusado, sinabi nito na ang biktima ay ang kanyang kapatid na ngayon ay nakapanganak na.

--Ads--

Hindi rin naman aniya nila alam kung sino ang totoong ama ng iniluwal na bata dahil tatlo silang inakusahan ng panggagahasa.

Matagumpay naman na naaresto ng otoridad ang nasabing akusado sa bisa ng mandamyento de aresto na inisyu ng hukom noong June 3 sa kasong labing-apat na bilang o 14 counts ng statutory rape na walang inirerekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Dinala ang nasabing akusado sa Cauayan City Police Station para sa dokyumentasyon at tamang disposisyon.