--Ads--

Kinilala si BINI Mikha Lim ng Vogue Singapore matapos siyang maisama sa kanilang monthly curated beauty feature, kung saan tampok ang mga artistang namayagpag sa beauty at fashion scene.

Binigyang-pansin ng magazine ang kapansin-pansing look ni Mikha sa kanilang historic performance sa Summer Sonic 2026 sa Japan, partikular ang kanyang makulay na makeup, gemstones, burgundy na buhok at kilay.

Itinampok din si Mikha bilang isa sa mga artistang nagbigay-buhay sa pagbabalik ng maximalist looks at rhinestone trend.

Dahil dito, muling nakakuha ng international recognition ang BINI member sa larangan ng fashion at beauty.

--Ads--