Patuloy na pinapalawak ng BINI ang kanilang presensya sa international music scene matapos silang magtanghal sa Summer Sonic Festival sa Osaka, Japan noong Biyernes.
Ibinahagi ng Nation’s Girl Group sa social media ang ilang bahagi ng kanilang performance, kabilang ang Japanese version ng kanilang awiting “Born To Win.”
Kasama ang kanilang backup dancers at suot ang makukulay na kasuotan, inawit ng BINI ang siyam na kanta mula sa kanilang discography, kabilang ang “Cherry on Top,” “Zero Pressure,” “Out of My Head,” “Step Back,” “Blush,” “Sugar Rush,” “Salamin Salamin” (Japanese version), at “Pantropiko.”
Nagpasalamat din ang grupo sa mga tagahanga sa Osaka sa pamamagitan ng isang post sa Weverse matapos ang kanilang pagtatanghal.
Kasama ng BINI sa mga artistang nagtanghal sa Summer Sonic Festival ang kapwa P-pop group na SB19. Nakatakda silang mag-perform sa mga entablado sa Osaka at Tokyo sa loob ng dalawang araw.











