--Ads--

Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na palalawakin ang oportunidad ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa pandaigdigang merkado upang mapalakas ang lokal na produksyon at pagluluwas ng mga produktong Pilipino.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno sa kanyang talumpati sa 5th ASEAN DHL GoTrade Summit sa Philippine International Convention Center, handa ang ahensya na tulungan ang mga MSME na makasabay sa pandaigdigang kalakalan.

Binigyang-diin ni Nepomuceno ang kahalagahan ng pagpapalakas ng lokal na produksyon at export industry sa halip na umasa sa mga inaangkat na produkto.

Samantala, pinuri ni Department of Trade and Industry Secretary Cristina Aldeguer-Roque ang pakikipagtulungan ng BOC sa pagpapabilis ng proseso at pagpapadala ng mga kargamento ng mga negosyo.

--Ads--

Bahagi ito ng pagsusulong ng administrasyong Marcos sa digitalisasyon at pagpapasimple ng proseso ng kalakalan upang mas maraming negosyong Pilipino ang makapasok sa pandaigdigang merkado.