--Ads--

Ipinagdiriwang ngayong Hulyo 6, 2026 ng Bombo Radyo Philippines ang makasaysayang ika-60 anibersaryo nito—anim na dekada ng walang humpay na paglilingkod sa sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng tapat, mabilis, at mapagkakatiwalaang pagbabalita.

Mula nang itatag noong Hulyo 6, 1966 ng visionary founder na si Don Marcelino M. Florete Sr. at sa ngayon nga pamumuno ni Dr. Rogelio M.
Florete, Chairman ng Bombo Radyo Philippines, lumago ang Bombo Radyo mula sa isang himpilan tungo sa pinakamatatag at pinaka-pinagkakatiwalaan na radio network sa bansa. Sa kasalukuyan, mayroon itong 32 ganap na digitalized na AM at FM stations sa 25
pangunahing lugar sa buong Pilipinas.

Sa loob ng anim na dekada,Higit pa sa broadcasting, patuloy ring isinusulong ng network ang mga programang nagbibigay ng direktang serbisyo sa mamamayan tulad ng Bombo MEDICO- ang medical, dental and optical program, DUGONG BOMBO- ang nationwide blood letting campaign, at BOMBO MUSIC FESTIVAL na nagtataguyod Original Pilipino Music.

Kinilala rin ang Bombo Radyo Philippines ng iba’t ibang institusyon dahil sa kahusayan nito sa pamamahayag. Kabilang dito ang pagkakahirang sa Bombo Network News bilang Best News Program ng Catholic Mass Media Awards noong 2024 at 2025, gayundin ang pagkilala bilang Radio Network of the Year ng Rotary Club of Manila sa 2026 Pro Patria Journalism Awards.

--Ads--

Sa loob ng animnapung taon, iisang pangalan ang nanatiling kasama ng sambayanan—Bombo Radyo Philippines. Isang pangalan na tunay nang naging A Way of Life for Filipinos.