--Ads--

Pormal na ipinakilala ni Atty. Nicholas Kaufman, lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang buong defense team sa harap ng International Criminal Court (ICC), matapos kumpirmahin na tama at kumpleto ang listahan ng mga abogado na inihain sa hukuman.

Kabilang sa ipinakilalang international lawyers ang mga sumusunod: Dr. Dov Jacobs, Ms. Havneet Sethi, Maître Alexandre Desevedavy, Attorney David Roncati, Maître Sandrine de Sena, Nicolas Rousseau, at Kaylyn Chen.

Dumalo rin bilang support attorneys ang ilang prominenteng Pilipinong abogado, kabilang sina Atty. Salvador Medialdea, Martin Delgra, Silvestre Bello, Alfredo Lim, Cesar Dulay, at Salvador Panelo, bilang pagpapakita ng malakas na representasyon ng depensa sa parehong lokal at internasyonal na antas.

Ang pormal na pagpapakilala ng defense team ay bahagi ng paghubog ng istratehiya ni Duterte sa confirmation of charges hearing, na naglalayong ipakita ang malawak at organisadong legal na depensa laban sa mga kasong isinampa ng ICC.

--Ads--