--Ads--

Inakusahan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Senator Panfilo “Ping” Lacson ng umano’y demolition job at trial by publicity kaugnay ng mga paratang nito sa sinasabing maanomalyang infrastructure projects sa Taguig.

Sa Facebook Live nitong Miyerkoles, Setyembre 2, sinabi ni Cayetano na hindi patas ang pag-uugnay sa kaniya sa mga umano’y anomalya, partikular sa mga flood control project sa lungsod.

Iginiit ni Cayetano na handa siyang sagutin ang mga paratang ni Lacson at isa-isahin ang mga ito sa tamang venue.

Samantala, sinabi ni Lacson na naisumite na sa Office of the Ombudsman ang mga ebidensiyang kanilang nakalap kaugnay ng mga proyekto sa Taguig.

--Ads--

Ayon kay Lacson, magpapatuloy ang kanilang pagsisikap na makalap ang mga kinakailangang impormasyon at susuportahan nila ang Ombudsman sa imbestigasyon.