--Ads--

Inanunsyo ni Pangulong Donald Trump ang pagpapalawig ng tigil-putukan sa Iran matapos ang direktang kahilingan mula sa mga lider ng Pakistan subalit mananatili ang presensya ng militar ng Estados Unidos at ang umiiral na blockade habang naghihintay ang Washington ng isang pinag-isang panukala mula sa pamahalaan ng Iran.

Sa isang pahayag sa social media, sinabi ni Trump na pumayag siya sa kahilingan ng Pakistan, na nagsilbing tagapamagitan sa peace talks, na ipagpaliban ang kanilang pag-atake hanggant magkaroon ng unified proposal.”

Ito ang pinakabagong pagkakataon na umatras si Trump mula sa kanyang mga bantang pagbobomba sa mga planta ng kuryente at iba pang pasilidad pangsibilyan sa Iran—mga hakbang na ayon sa mga eksperto ay maaaring maituring na war crimes.

Matatandaang noong Pebrero 28, inilunsad ni Trump kasama ang Israel ang digmaan laban sa Iran. Ayon sa kanya, napagpasyahan niyang palawigin ang tigil-putukan dahil sa matinding pinsala na natamo ng Iranian Government na tumutukoy sa mga pagpaslang ng U.S. at Israel sa ilang lider ng bansa, kabilang ang yumaong Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei na pinalitan ng kanyang anak.

--Ads--