--Ads--

Handa umanong isiwalat ni former Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang kanyang nalalaman ukol sa natuklasang anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.

Aniya’y mayroon malaking personalidad ang kanyang babanggitin sa oras na ito’y tumayo o humarap sa isasagawang pagdinig ng senado.

Sa naging pagtatanong ng Bombo Radyo sa dating gobernador, kanyang tiniyak na magbabanggit ito ng mga pangalan sangkot sa isyu ng flood control.

Subalit nang tanungin naman kung sino o anong partikular na posisyon ito, tumanggi na siyang ibahagi sapagkat giit niya’y sa senado na lamang niya ito sasagutin.

--Ads--

Ayaw aniyang pangunahan ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa imbestigasyon sa naturang kontrobersyal na mga proyekto.

Gayunpaman, pagtitiyak pa niya’y dadalo at magpapakita ito saA magaganap na ‘hearing’ sakali man siya’y imbitahan o ipatawag ng komite ng senado.

Sa kabila nito, ipinagpaliban muna ng Senado ang nakatakda sanang muling pagbabalik ng komite para ipagpatuloy ang pagdinig sa imbestigasyon sa flood control.

Dapat sana itong isasagawa sa ika-14 ng Abril ngunit hindi matutuloy sapagkat hinihintay pa na pormal isumite ni former Gov. Singson ang kanyang affidavit.

Pati pirma ng ilang mga senador at iba pang rason ay ikinunsidera din sa pagpaliban ng nakatakdang petsa.

Itinanggi naman ng dating gobernador na siya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang naturang pagdinig.

Aniya’y handa raw siya na dalhin sa senado ang kanyang salaysay anuman oras sakaling hingin ni Sen. Panfilo Lacson, nagsisilbi bilang Chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee.

Tumanggi ng ibahagi pa ni former Gov. Singson ang nilalaman ng kanyang salaysay o ‘affidavit’ na planong isumite sa komite o tanggapan ng senado.

Binigyang diin niya na napirmahan at notaryado na rin ang naturang dokumento nabanggit.