--Ads--

Inaasahang aabot sa 780,000 metric tons ang aangkatin ng Pilipinas na manok sa 2027 upang matugunan ang tumataas na demand, ayon sa United States Department of Agriculture o USDA.

Batay sa ulat ng USDA, halos 15% itong mas mataas kumpara sa tinatayang 680,000 metric tons na imports ngayong taon.

Kasabay nito, inaasahang tataas din ng 7.8% ang lokal na produksyon ng manok sa susunod na taon, na aabot sa 1.92 milyong metric tons mula sa tinatayang 1.82 milyong metric tons ngayong taon.

Ayon sa USDA, inaasahang susuportahan ito ng pagpapalawak ng poultry farms, paggamit ng mas episyenteng teknolohiya at pagpapahusay sa genetics at training ng mga farm personnel.

--Ads--