--Ads--
Inaasahang aabot sa 5.6 milyong metriko tonelada ang rice imports ng Pilipinas pagsapit ng 2027, ayon sa United States Department of Agriculture (USDA), dahil sa lumalaking populasyon at demand sa bigas.
Tinatayang 5.5 milyong MT ang import ngayong taon at maaari pang tumaas ng 100,000 MT sa 2027. Mas mataas ito kumpara sa tantiya ng Department of Agriculture na 4.8 milyong MT.
Noong 2025, umabot sa 3.37 milyong MT ang inangkat na bigas ng bansa, habang inaasahan ding tataas ang lokal na produksyon sa mga susunod na taon.
Giit ng USDA at DA, nananatiling pangunahing supplier ang Vietnam, kasunod ng kasunduan ng Pilipinas para sa 1.5 milyong MT na suplay hanggang 2027.
--Ads--











