--Ads--

Nagbanta ang Iran na aatake sa mga imprastraktura sa Middle East kung hindi matitiyak ang seguridad nito, habang hinihintay ang pormal na tugon ng Estados Unidos sa panukalang muling buksan ang Strait of Hormuz.

Ayon kay Iranian parliament speaker at chief negotiator Mohammad Bagher Ghalibaf, walang imprastraktura sa rehiyon ang magiging ligtas kung hindi makapagbebenta ng langis ang Iran o hindi matitiyak ang seguridad nito.

Nauna nang tinanggihan ni US President Donald Trump ang panukala ng Tehran, ngunit sinabi ng Iranian foreign minister na hinihintay nila ang pormal na tugon ng Washington.

Bahagyang humupa ang labanan nitong mga nakaraang linggo, ngunit patuloy umanong tinatarget ng Iran ang mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz.

--Ads--

Bago sumiklab ang labanan noong Pebrero, dumaraan sa naturang ruta ang tinatayang ikalimang bahagi ng pandaigdigang suplay ng langis at liquefied natural gas.