Pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad na irekomenda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibigay ng executive clemency kay Mary Jane Veloso.
Ayon kay Justice Secretary Eric Vida, sinusuri ng ahensya ang lahat ng posibleng opsyon kaugnay ng kaso. Dagdag pa niya, nakatakda rin silang makipagpulong sa pamilya ni Veloso sa mga susunod na linggo upang ipaliwanag ang mga maaaring mangyari at ang realistiko at legal na hakbang na posibleng isaalang-alang.
Matagal nang nananawagan ang pamilya ni Veloso na mabigyan siya ng executive clemency upang matapos na ang mahigit 16 na taon nitong pagkakakulong at muling makapiling ang kanyang mga mahal sa buhay.
Si Veloso ay kasalukuyang nakapiit sa Correctional Institute for Women matapos maibalik sa Pilipinas mula Indonesia, kung saan siya ay nakaligtas sa hatol na kamatayan.











