Napabilang sa mga finalist ng Region II – Cagayan Valley para sa ika-59 na Ten Outstanding Students of the Philippines o TOSP ang dalawang estudyante ng Isabela State University (ISU).
Kabilang sa mga napili sina John Paul M. Palsimon mula sa College of Business Administration and Public Administration (CBAPA) at Marvin S. Payumo mula sa College of Education (CEd), kapwa mula sa ISU Echague Campus.
Ipinagdiwang ng pamunuan at komunidad ng ISU ang tagumpay ng dalawang estudyante, na kakatawan sa unibersidad at sa Rehiyon Dos sa prestihiyosong paghahanap sa mga natatanging mag-aaral sa bansa.
Inaasahan ding maipagpapatuloy nina Palsimon at Payumo ang kanilang mga makabuluhang ambag sa kani-kanilang komunidad habang kinakatawan ang Cagayan Valley sa nasabing kompetisyon.











