CAUAYAN CITY- Sugatan ang dalawang katao matapos mabangga ng single na motorsiklo ang isang lolo sa RC Bañez Subdivision, District 1 Cauayan City.
Ang biktima ay kinilalang si Jimmy Bartolome, 82 taong gulang, may asawa, walang trabaho at residente ng nabanggit na lugar habang ang Tsuper namn ng motorsiklo ay kinilalang si Paulo Lucas, 30 taong gulang, construction worker, at residente ng Airport Road P1, San Fermin Cauayan City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay naglalakad sa shoulder o sa gilid ng kalsada at ang motorsiklo naman ay nasa kaparehong direksyon nang mangyari ang aksidente.
Nang makarating sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ay nabangga ng motor ang lolo na nagtamo ng serious injuries at agad namang dinala ng kasapi ng Rescue 922 sa pribadong hospital sa lungsod ng Cauayan.
Maging ang tsuper ng motorsiklo ay nagtamo rin ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na isinugod din sa pagamutan.
Batay sa salaysay ng Tsuper, hindi umano niya napansin ang biktima dahilan kaya’t nabangga niya ito.
Aminado naman siya na nasa impluwensya siya ng nakalalasing na inumin nang mangyari ang insident at wala ring driver’s license.
Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Injury at paglabag sa RA 4136 o paglabag sa batas trapiko ng Land Transportation Office na isasampa laban sa Tsuper na ngayon ay kasalukuyang naka hospital arrest.