--Ads--

Sugatan ang mga rider ng dalawang motorsiklo matapos magbanggaan ang mga ito sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Minante 2, Cauayan City, partikular sa tapat ng isang gasolinahan nitong gabi ng Agosto 4.

Batay sa paunang imbestigasyon, sangkot sa insidente ang isang Suzuki motorcycle at isang Kymco XTown.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Laurence Manuel, isa sa mga rider, sinabi nitong pauwi na sana siya sa Alicia, Isabela mula sa Ilagan City nang bigla umanong bumangga sa kanya ang kabilang motorsiklo.

Napag-alamang walang driver’s license ang rider ng suzuki motorcycle at hinihinala ring nakainom ito ng alak bago ang insidente.

--Ads--

Agad namang rumesponde sa lugar ang mga opisyal ng barangay at mga pulis na malapit sa pinangyarihan upang magbigay ng paunang responde.

Nagtamo ng mga sugat ang mga rider.

Samantala, dinala sa Cauayan Component City Police Station ang dalawang motorsiklo at ang mga sangkot sa insidente para sa kaukulang imbestigasyon at pag-uusap hinggil sa nangyaring banggaan.